|
| 1 | +--- |
| 2 | +layout: signed |
| 3 | + |
| 4 | +title: Isang bukas na liham para suportahan si Richard M. Stallman |
| 5 | +description: Isang bukas na liham para suportahan si Richard Matthew Stallman sa kanyang muling pagbabalik sa Pundasyon para sa Malayang Software |
| 6 | +image: /assets/social-media-preview.png |
| 7 | +locale: tl |
| 8 | +twitter: |
| 9 | + card: summary_large_image |
| 10 | +--- |
| 11 | + |
| 12 | +2021-03-23 |
| 13 | + |
| 14 | +Si Richard M. Stallman, madalas na kilala bilang RMS, |
| 15 | +ay naging pangunahing puwersa sa kilusan para sa |
| 16 | +malayang software ng ilang dekada, maraming mga kontribusyon |
| 17 | +tulad ng sistemang operatibo na GNU at Emacs. |
| 18 | + |
| 19 | +Kamakailan, nagkaroon ng mga mapahamak na mga pag-atake online, |
| 20 | +upang alisin siya mula sa lupon ng mga direktor ng FSF dahil |
| 21 | +sa pagpapahayag ng kanyang mga personal na opinyon. Nakita na namin |
| 22 | +ito mangyari noon sa isang organisadong moda laban sa mga |
| 23 | +prominenteng aktibista at programista para sa malayang software. |
| 24 | +Hindi na kami mananahimik, ngayo'y inaatake na ang mismong |
| 25 | +nagtatag ng komunidad na ito. |
| 26 | + |
| 27 | +Ang FSF ay may kasarinlan at may kakayahang tratuhin ang |
| 28 | +mga miyembro sa isang makatarungan at walang pinapanigang moda, at hindi ito |
| 29 | +dapat sumuko sa mga panlabas na panggigipit-sosyal. Hinihikayat namin ang |
| 30 | +FSF na ikonsidera ang mga argumento laban kay RMS nang walang kinikilingan |
| 31 | +at tunay na maunawaan ang kahulugan ng kanyang mga salita at aksyon. |
| 32 | + |
| 33 | +Noon pa man, ipinapahayag ni RMS ang kanyang mga pananaw sa mga paraan |
| 34 | +na makakapag sama ng loob ng maraming tao. Kadalasan, siya'y nakatuon sa mga |
| 35 | +pilosopikong pundasyon, at sinisikap na matamo ang obhetibong |
| 36 | +katotohanan at linguistikong kalinawan, habang hindi binibigyang diin ang mga |
| 37 | +damdamin ng mga tao sa mga bagay na kanyang binibigyang komento. Dahil dito, |
| 38 | +ang kanyang mga argumento ay madaling mauuwi sa di-pagkakaunawaan at maling |
| 39 | +paglalarawan, na sa tingin namin ay nangyayari sa bukas na liham para sa kanyang pagtatanggal. |
| 40 | +Ang kanyang mga salita ay dapat ipaliwanag sa kontekstong ito at |
| 41 | +bigyang diin na kadalasan, hindi siya interesado sa isang diplomatikong |
| 42 | +pag-uusap. |
| 43 | + |
| 44 | +Anuman ang kanyang opinyon, ang mga komento ni Stallman sa mga bagay na |
| 45 | +kung saan siya inuusig ay walang kaugnayan sa kanyang |
| 46 | +abilidad na mamuno ng isang komunidad tulad ng FSF. |
| 47 | +Isa pa, may karapatan siya sa kanyang mga opinyon tulad |
| 48 | +ng sinuman. Ang mga miyembro at tagasuporta ay hindi kailangang |
| 49 | +sa kanyang mga opinyon, pero dapat irespeto ang kanyang |
| 50 | +karapatan sa kalayaan sa pag-iisip at pananalita. |
| 51 | + |
| 52 | +**Sa FSF:** |
| 53 | + |
| 54 | +Kapag tinanggal niyo si RMS, masasaktan lang ang inyong imahe at malaking dagok |
| 55 | +ito sa momentum ng kilusan para sa malayang software. |
| 56 | +Hinihikayat namin kayo na ikunsidera ang inyong mga gagawin nang may pag-iingat, |
| 57 | +sapagkat ang inyong mga desisyon ay magkakaroon ng seryosong epekto |
| 58 | +sa hinaharap ng industriyang software. |
| 59 | + |
| 60 | + |
| 61 | +**Sa mga nanggugulo na pinagtutulungan si Richard Stallman dahil sa |
| 62 | +kanyang mga makatwirang argumento sa pagtatalo at iba't ibang mga opinyon at paniniwala |
| 63 | +na kanyang sinabi ng ilang dekada bilang isang kilalang tao:** |
| 64 | + |
| 65 | +Wala kayong karapatan sa pagpili kung sino mamumuno sa kahit anong komunidad. |
| 66 | +Lalong hindi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang tao o komunidad na hinding-hindi kailanman |
| 67 | +makakahawig sa isang makatarungan at maayos na pagtatalo na ginawang halimbawa |
| 68 | +ng mga mabubuting tao tulad ni Richard Stallman. |
| 69 | + |
| 70 | +Para pumirma, [mag-submit ng isang pull request](https://github.com/rms-support-letter/rms-support-letter.github.io/pulls). |
0 commit comments